Limang sets ang binuno ng Power Smashers bago pinasadsad ang Creamline 25-23, 21-25, 25-17, 20-25, 15-13 kagabi sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.
Nagsanib-puwersa sina Regine Arocha at Jovielyn Prado sa fifth set at kinalsuhan ng Power Smashers ang two-game skid tungo sa 2-2 karta.
Namuno sa opensa ng Power Smashers si Arocha na may 18 markers kasama ang 11 attacks.
Naitabla pa ng Cool Smashers sa 1-1 papasok ng third frame.
Sa fourth bumira si Prado para makahabol ang Power Smashers pero kumana si Francesca Racracquin ng dalawang sunod na service aces at nakahirit ng decider ang Creamline.
Sa fifth, umiskor si Alyssa Valdez para idikit ang Creamline, 13-12, pero sinundan niya ito ng service error at napunta sa Power Smashers ang match point.
Bumawi ng hit si Valdez at nanindak muli ang Cool Smashers, 14-12, pero sa sumunod na play ay nablangka ang volley star at naselyuhan ang panalo ng Power Smashers.
Nalasap ng Cool Smashers ang pangalawang talo sa tatlong salang.
Sa first game, tinuhog ng defending champion Pocari Sweat ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang Perlas 25-19, 25-19, 25-19. Tinablahan ng Lady Warriors ang biktima sa 2-2.