Bagitong teams ang Creamline at Perlas Lady spikers pero paniguradong magbibigay ng magandang laban para paalisin sa trono ang defending champion Pocari Sweat sa pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Abril 30 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Ipinagmamalaki ng Creamline si three-time UAAP MVP at volleyball superstar Alyssa Valdez na binitbit ang dating koponan sa kolehiyo, Ateneo sa dalawang titulo noong 2013 at 2014.
Ipananargo ng Perlas Lady Spikers ang mga beach volleyball stars at dating pambato ng Lady Eagles na sina Charo Soriano, Bea Tan at Dzi Gervacio kasama si Amy Ahomiro.
Gagabay sa Perlas si coach Jerry Yee ng University of the Philippines.
Ayon kay PVL president Ricky Palou lahat puwedeng magkampeon dahil balanse ang mga koponan.
“It’s a wide-open race and we’ll never know who’s going to win the championship.” ani Palou.
Wala sa roster ng Lady Warriors si skipper Michele Gumabao kaya sasandalan nila sina top spikers Myla Pablo at Elaine Kasilag para sikwatin ang pangatlong korona.
Isinama rin sa line-up para sa Pocari Sweat sina former Ateneo ace Fille Cayetano, University of Santo Tomas star Jessey de Leon at dating former NCAA Most Valuable Player Jeanette Panaga ng College of Saint Benilde.