Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — Perlas vs. Pocari Sweat
6:30 p.m. — Power Smashers vs. Creamline
Nakasama sa win column ang Creamline nang saltikin ang Air Force 25-23, 25-16, 25-22 sa inaugural Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan noong Mayo 4.
Kakalawit pa ng panalo ang Cool Smashers para palakasin ang tsansang sumampa sa Final Four ng six-team, double round robin event.
May kartang 1-1, muling ibabandera ng Creamline si volleyball superstar Alyssa Valdez kontra Power Smashers.
Kumana si former Queen Eagle Valdez ng 21 points sa panalo laban sa Lady Jet Spikers.
Sa edad na 37, tumulong ng malaki si Ivy Remulla sa unang panalo ng Cool Smashers, humataw ang dating De La Salle star ng service winner sa first set.
“Basta gusto mo at nandoon ang puso mo ay kaya pa rin maglaro, wala sa edad ‘yan,” ani Remulla.
Matapos ang upset win ng Power Smashers sa unang laro kontra defending champion Pocari Sweat, nakatikim sila ng dalawang sunod na talo.
Magtatapat sa first match ang Perlas at Lady Warriors.
Nasa pangalawang puwesto ang Lady Spikers (2-1) card, nasa itaas lang ng Air Force (1-3) ang Pocari Sweat (1-2).