Creamline sinagip ng 2 ace ni Morado

Sumandal sa back-to-back aces ni Jia Morado sa huling set ang Creamline Cool Smashers tungo sa 25-19, 25-17, 20-25, 16-25, 16-14 pagbalibag sa Pocari Sweat-Air Force sa Premier Volleyball League Open Conference Linggo ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Tangan na ngayon ng Creamline ang 4-1 win-loss record kasosyo ang Ateneo-Motolite.

Nanguna para sa Cool Smashers si Alyssa Valdez na may 22 puntos, lahat galing sa attacks at nagdagdag din ito ng 20 excellent digs katuwang si Risa Sato na may 16 na puntos. May 14 puntos si Jema Galanza.

Sa ikalimang set ng laro ay lamang ng limang puntos ang Pocari, 10-5, pero naitabla ito ng Creamline sa 10-all.

Angat na naman sa dalawang puntos ang Lady Warriors, 14-12, sa tulong ng quick attack ni Del Palomata pero naisalba ni Valdez ang match point sa isang atake bago matawagan ng net touch si Wendy Semana.