Magkakaroon na ng sariling creative hub sa Intramuros dahil sa hakbang ng gobyerno na magkaroon ng kauna-unahang lungga para sa mga artist sa bansa.
Ito umano ang kauna-unahang ‘creative economy hub’ na itatayo sa bansa para lalong maiangat ang turismo sa bansa.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, magsisilbi umano itong quarters ng mga artist sa Intramuros.
Ayon kay Romulo-Puyat, ang Maestranza Complex, ang magsisilbing unang creative hub sa Pilipinas na magiging kaakibat ng TechnoHub sa Quezon City pero ang target ay ang creative sector ng bansa.
“This will be a hub where they can stay, we will have a coffee shop, we’re thinking bed and breakfast also, like the TechnoHub. It will be all over the country, there will be a creative economy hub, the first will be in Manila,” ayon kay Romulo-Puyat.
Ang Maestranza Complex ay ang chambers na ginamit na storehouse at barracks para sa mga sundalo noong 1500 bago nasira noong panahon ng World War II.
Nabatid na ang ideya na gawin itong creative’s quarters ay inisyatiba ng Intramuros Administration, isang attached agency ng DOT, at ng Creative Economy Council of the Philippines.
Dito huhubugin ang mga magagaling na artist sa larangan ng music, performing arts kasama na ang dance and theater, handicrafts, architecture, visual arts, graphic arts, cartoon animation, literature, fashion, furniture, and interior design, film, digital inventions including computer games, television production, publishing, at advertising.
Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority na ang paglikha ng maraming creative hubs sa bansa ay hindi lamang daan para mapalakas ang creative industires kundi isang hakbang din para mapalakas ang turismo sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)