Crime rate bumaba sa drug war – PNP

Ibinida ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang crime rate sa bansa bilang patunay na nananalo ang pamahalaan sa kampanya kontra droga

Batay sa datos ng PNP, mula nang ilunsad ang drug war noong Hul­yo 2016 hanggang Hunyo 2018, umaabot sa 21.5% na ang ibinaba ng crime rate sa bansa kumpara sa crime rate data mula Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2016.

Sa kabuuan ng 2018, mayroon umanong 9% na pagbaba sa crime rate volume kumpara noong 2017. Mayroon ding average na 3 hanggang 5% pagbaba sa unang tatlong quarter ng 2019.

“This is clear proof that President [Rodrigo] Duterte’s drug war is winning. And we have been on the right path in the campaign against illegal drugs,” ayon kay PNP Directoral Staff chief Lt. Gen. Guillermo Eleazar. (Edwin Balasa/Dolly Cabreza)