Crime rate bumagsak ng 53% sa lockdown

Bumaba ng 53 porsiyento ang bilang ng mga krimen sa bansa sa ilalim ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa panayam ng DZMM kay Lt. Gen. Guilermo Eleazar, commander ng Joint TaskForce Corona Virus Shield sinabi nito sa bumaba ang crime rate sa bansa .

Sa Visayas umano ay bumaba ng 42% at 42% rin sa Mindanao samantalang 60% naman sa National Capital Region (NCR).

“Over all 53% ang ibinaba nito kabilang umano rito ang mga crimes against property”, ayon kay Eleazar.

Dahil umano ito sa walang tao sa mga lansangan at sa mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoint.

Kabilang umano sa mga bumabang kaso ay robbery, theft, at carjacking, na kinukunsidera ng Philippine National Police (PNP) bilang `barometer’ ng peace and order, ayon din kay Eleazar. ( Riz Dominguez)