Cristine, BODY BEAUTIFUL pa rin … sa ayaw man o gusto ni Vivian!

Cristine Reyes

KERI pa ring mangabog ni Cristine Reyes-Khatibi kung paseksihan ang labanan.

Parang dalaga pa rin ang katawan ni Cristine sa mga post niya sa social media nang magpunta sila kamakailan sa Norte ng mister niyang si Ali Khatibi at daughter nilang si Ariane Amarah.

Nagmumura pa rin ang alindog ng flawless na si Cristine at FHM-ready ang kanyang body sa suot niyang green, printed swimsuit nang mag-beach sila.

Kahit yakap ni Cristine si Amarah at ang kanyang hot hubby na si Ali ay mapapansin pa rin ng kalalakihan ang kanyang kanasa-nasang katawan.

Bet namin ‘yung pic ni Cristine na nakaupo lang siya sa may buhanginan, nakapusod ang buhok at slightly naka-smile sa kamera.

Hindi hot momma kundi hot dalaga ang dating ng 27-anyos na Viva star.

Base sa itsura ni Cristine sa social media posts niya ay mukhang happy and contented siya sa pagiging maybahay ni Ali at ina ni Amarah.

Parang sinasabi ng photos niya na wala siyang pagsisisi sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.

Cristine Reyes at Ali Kathibi
Cristine Reyes at Ali Kathibi

1 year & 5 months na ang munting anghel nina Cristine at Ali na si Amarah.

Madalas sabihin noon ni Cristine na ayaw na niyang magpa-sexy at iba na ang gusto niyang gawin bilang aktres.

Sakaling magbago ang isip niya’t gustuhin niyang ibalik ang kanyang sexy actress image ay tiyak na maraming lalaki ang matutuwa.

Masabaw at makatas pa rin kasi si Cristine… sa ayaw at sa gusto ni Vivian Velez!
Pak The Ganern!!

***

May kapalit na ba agad si Rocco Nacino sa puso ni Lovi Poe?
Feeling ng fans ay pumapag-ibig muli si Lovi base sa tamis-tamisang posts niya sa Instagram.

May pinost siyang vi­deo a few days ago na may lumapit sa kanyang guy habang nagpapa­hinga siya by the beach.

Nagpa-girl si Lovi nang kunan nu’ng guy ang katawan niya at i-focus ng camera ang suot niyang black swimsuit. Tinakpan niya bigla ng tuwalya ang kanyang harapan.

Rhian Ramos at Chris
Lovi Poe at Chris

Sa post niyang may hawak siyang book at seksi-seksihan sa may dagat, ang caption ni Lovi ay, “A book in hand in a place this beautiful… this is the life,” na may kasamang heart emoji at pa-hashtag na #LoviChrissy.

Umiinlabey ‘yung sunod niyang post na sunset pic by the beach habang nakasakay siya sa kabayo at ang nilagay niyang caption ay “Live. Love. Ride.” na meron ulit heart emoji.

‘Yung next pic niyang nakaupo siya at ang sarap ng ngiti niya sa may tabing dagat, ang sabi ni Lovi ay, “Everyday I thank God for leading me towards a path that strengthens my abilities to do what I’m passionate about… in 2 days I’ll be sharing with you an adventure,” tapos ay naka-mention ang IG handle ng @gmanetwork.

“Horseback riding by the beach,” ang caption niya sa pic na may kasama siyang guy na naka-sando at shorts, tapos ay sabay silang na­ngangabayo sa may dalampasigan.
Naka-tag ‘yung guy na ang pangalan ay Chris Johnson. Naka-private ang IG ni Chris, pero ang comments agad ng fans ay bago itong boyfriend ni Lovi.

So, ibig sabihin ay si Chris ‘yung ‘Chrissy’ doon sa pa-hashtag ng Kapuso actress na #LoviChrissy?!
May konek doon sa tini-tease ni Lovi na ‘adventure’ ang post ng GMA na, “The premier actress will reveal something on July 26,” na posibleng contract renewal ni Lovi sa GMA.

Ang next Kapuso pro­ject niya ay ang teleser­yeng Someone to Watch Over Me katambal si Tom Rodriguez, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Wait natin kung ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa Siyete ang tinutukoy ni Lovi na adventure o meron pa siyang ibang pasorpresa.

Pero ang mas interesadong malaman ng fans ay kung si Chris Johnson nga ba ang bagong Love ni Lovi!