NI: ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging post ni Cristine Reyes hinggil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Basa ng mga netizen, cool na tinatanggap ng aktres ang closure ng network kung talaga raw itinakda itong mangyari.

Wala raw itong bitterness o panunumbat ang emote niya na parang sinasabing handa na rin siyang magbabu sa Dos.

Ito ang teksto ng kanyang post.

“Ang bilis lumipas ng panahon. Minsan nasa taas. Minsan nasa ilalim. May kanya-kanya tayong oras. Walang permanente sa mundo. Lahat sa takdang oras may pagbabago na kahit sino sa atin ay hindi mapipigilan,” aniya.

“Lahat tayo may kanya kanyang pagsubok sa buhay. Tatag ng damdamin at taimtim na tiwala sa itaas. Lahat ng bagay ay lilipas, sa takdang panahon. Maraming salamat ABS-CBN sa 12 taon na tiwala,” dugtong niya.