Cristine ready nang rumampa sa beach

Pampabuwenas sa mga kalalakihan ang pasilip ni Cristine Reyes sa kanyang Instragram post kamakailan.

Dito kasi ay muling ibinalandra ng aktres ang kanyang kaseksihan. Handang-handa na nga siya na rumampa sa beach kahit matagal pa ang summer. Sa suot niyang red two piece swimsuit, nakagigigil ang porma rito ng younger sister ni Ara Mina.

Walang takot kung magpasilip ng kanyang kariktan ang aktres, dahil may K siyang gawin ito sa kanyang makatulo-laway na katawan.

Definitely ay isang certified Hot Momma si Cristine, na sa taglay niyang kaseksihan ay mapagkakamalang dalaga pa. Ang kanyang slim and curvy body figure ay hindi pagsasawaang titigan ng mga barako.

Ang kakaibang taglay na alindog ni Cristine, pati ang whistle bait niyang figure ay isang magandang tanawin para sa maraming kalalakihan. Kaya hindi kataka-taka kung maging laman siya ng pantasya ng mga lahi ni Adan.

Siya ang tipo ng babaeng isang total package na ang porma ay tumatatak sa isipan ng maraming member ng opposite sex.

Si Cristine ay tulad ng isang hot babe na kapag nakasalubong ng mga kalalakihan ay tiyak na mapapalingon. (Nonie Nicasio)