Si Cristine kaya ay payag na makatrabaho ulit si Ms. Vivian?
“Siguro, lahat naman, nadadaan sa magandang usapan, ‘di ba?

So, if given a chance na magkita kami at makapag-usap ulit, okey lang din naman sa akin,” mahinahong sagot ni Cristine.

In fairness ay bumait at nag-mellow na si Cristine kumpara noon. Malaki ang nagawa sa kanya ng pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.

Bale itong Tubig at Langis ang pagbabalik niya sa teleserye after ng medyo matagal na pahinga dahil sa kanyang pagbubuntis at pagkakaroon ng baby.

Sey ni Cristine, na-feel niya ‘yung blessing dahil patay na oras ang timeslot nila, pero kahit paano ay naging phenomenal ang ratings nila, kaya thankful and blessed silang lahat.

Ngayong nanay na si Cristine ay meron talagang mga nag-iba. Pakiramdam niya ay mas lumawak pa ang know­ledge niya sa akting dahil sa totong buhay ay naging nanay na siya at nagkaroon na siya ng asawa.

Nadadala niya rin ‘yon sa trabaho niya. Mas malalim na ang pinag­huhugutan niya.

At dahil meron siyang mister na si Ali Khatibi at baby na si Amarah, maaga kung umuwi si Mommy Cristine mula sa taping. 12:00 AM ang cutoff niya, pero hindi lang daw siya kundi nilang lahat dahil pinapatupad na ‘yung hanggang midnight lang na oras ng pagtatrabaho sa unit ni Direk Ruel.

***

UNANG umingay ang afternoon soap ng ABS-CBN na Tubig at Langis nang magkaengkuwentro sina Cristine Reyes at Vivian Velez, na naging dahilan ng pagkatsugi ni Vivian sa show.

Kung anu-ano ang pinagsasabi ni Vivian laban kay Cristine na binastos umano siya at kung anu-ano pa.

Nang tanungin namin ang Kapamilya BUH na si Direk Ruel Bayani kung willing pa siyang makatrabaho ulit si Vivian, ang mabilis nitong sagot ay, “Oh, yes! She’s an amazing actress. I’d love to have her again.

“She’s a good person, believe me. It was just unfortunate, but lahat kami sa team ay naniniwala na we will be working with each other again.”

Nakarating din kay Direk Ruel na sinabi raw ni Vivian na she is sincerely happy for the show.
Masaya ito sa tagum­pay ng programa na na­ging bahagi rin ito.

***

Sa tanong namin kung naging friends ba sila ng co-star niyang si Isabelle Daza in real life, ang sagot ni Cristine ay okey sila ni Belle.

Hindi sila ‘yung friends na lumalabas together, pero sa set ay nag-uusap sila at wala silang problema.

Sa lahat ng shows na ginawa ni Cristine, sa Tubig at Langis ‘yung may bonding silang lahat sa cast kaya malapit sila sa isa’t isa.