Balik sa Pasay City Cockpit ang bigtime sabong sa ilalargang “JTC Kaingin Big Event 6-Cock Derby” nga­yon tampok ang 100 sultada.

Ang miyembro ng National Cockers Asso­ciation (NCA) na si Jojo Cruz ng Bulacan at grand finalist sa 2019 World Pitmasters Cup 2, ang host dito sa mga pagtataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ilan sa mga kasali ay sina WPC 2 champion Richard Perez, sabong idol Patrick Antonio, Tony Lasala, Engr. Celso Salazar, Cholo Violago, Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, dating Rizal Gov. Ito Ynares, Jr., Las Pinas Mayor Vergel ‘Nene’ Aguilar, Eddie Gonzales, Rodolfo Pineda, Mandy Garcia, Arman Santos, JR Tolentino, Teves Brothers at Pol Estrellado.

Tatanggap ng championship trophy ang kampeon, panapos ni Cruz.
Bibitawan din sa PCC ang “Jerald and Erica 4-Cock Derby” nina PCC operations manager Eri­ca Clemente at Jerald Picazo.

At ang set A ng Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby sa July 12, 19, 22 a 26.
Sa mga de­talye, kontakin lang sina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939-4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)