Cruz iilawan ang Lanterns

Cruz iilawan ang Lanterns

Isa sa sasandigan ng Pampanga Giant Lanterns si former Blackwater Elite-Philippine Basketball Association guard Mark Cruz sa pagkompronta sa Bataan Risers sa unang laro mamaya ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Marikina City Sports Center.

Nais ipagpatuloy ni Cruz ang momentum nang silawin ng Lanterns ang SOCCSKSARGEN Marlins nitong Nobyembre 5 sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, 115-71, kung saan may 12 points at 11 rebounds siyang kinayod.

Aagapay sa kanya si Wilson Baltazar na kuminang ng 15 markers na nagbigay sa mga Kapampangan ng tatlong ragasa para sa 13-7 kartada at pang-apat na puwesto sa Group A North Division.

Si John Villarias naman ang aarya para kalsuhan ang winning streak ng Pampanga sa alas-4:15 ng hapon upang mapahaba ang pananalanta sa anim at makakalas sa tablahan sa Bulacan Kuyas sa sixth place sa 12-8.

Huling tinumba ng Risers ang Quezon City, 79-73, nitong Miyerkoles.

Alas-8:45 ng gabi naman magtutuos ang nasa ilalim, may apat na sunod na kalbaryong Marikina Shoemasters (3-16) at nasa fifth spot Pasig Sta. Lucia Realtors (12-7) na galing sa panalo. (Aivan Episcope)