Cruz, NLEX nakalusot sa Magnolia

CRUZ, NLEX NAKALUSOT SA MAGNOLIA

Isang putback ni Jericho Cruz sa natitirang 1.0 segundo ang nagtulak sa NLEX sa maigting na 86-85 lusot kontra defending champion Magnolia para makipkip ang liderato at mapanatili ang tsansa sa twice-to-beat sa quarterfinals sa nasa homestretch ng 44 PBA Governor’s Cup 2019-2020 eliminations Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo City.

Nakawala si Cruz sa kanyang bantay upang makuha ang bola mula sa mintis ni Kiefer Isaac Ravena sa ikalawang free throws at sablay sa putback ni JR Quinahan at ‘di na nito ibinaba upang iahon sa 26 puntos na paghahabol at ibigay ang pampanalong basket sa Road Warriors na ngayon ay may 8-1 win-loss record.

“Magnolia played really good defense to us, especially on Manny (Harris). But he showed us how give us more momentum. At least twice to beat na kami sa quarterfinals. That is really the objective,” sabi ni NLEX coach Yeng Guiao.

Nagtala si Harris ng 22 puntos, 9 rebounds at 10 assists upang pamunuan ni tropa ni Guiao.

“Parehong parang milagro lang ang panalo namin,” wakas ng Road Warriors bench strategist. “Mas masarap minsan iyung may tsamba ka.

Una munang tinawagan ng foul si Mark Barroca ng Hotshots Pambansang Manok na nagbigay ng dalawang free throws kay Ravena.

Nakawala si Paul Lee mula sa bantay nito upang ihulog ang isang layup sa natitirang 11.5 segundo.

Naghabol ang Road Warriors sa pinakamalaking 26 puntos na pagkakaiwan matapos na malimitahan sa 16 lamang sa unang yugto habang ibinuhos ng Hotshots ang 18 puntos na scoring run sa unang yugto kung saan itinala nito ang kabuuang 39 puntos. (Lito Oredo)
: