Cruz pinalupasay ang Pasay

Bumakbak si ­ex-pro Mark Cruz ng tig-14 points at assists, at 7 rebounds upang ­bidahan ang Pampanga Giants Lanterns ADG Group of Companies sa pagpapataob sa Pasay Voyagers, 75-65, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup elimi­nations Martes nang hapon sa Valenzuela City Astrodome.

Nakalamang ng walo ang Pasa­yeños sa game, pero ­bumalikwas ang mga ­Kapampangan at nakalayo ng ­hanggang 15 tungo sa back-to-back ­victory at 15-9 win-loss record para sakupin ang solo sixth spot sa Group A North Division ­standings.

Aktuwal na si ex-pro Levi Hernandez ang namuno sa opensa ng Pampanga sa 15 mar­kers na may 4 baords, habang bakas ng 13 pts. si ex-pro John dexter Maiquez at may 12 pa si Michael Juico para hilain ang biktima sa ninth spot sa 13-11.

Si Jason Obispo ang nanguna sa Pasay sa 12 pts. samantalang may tig-11 sina ­Raymund ­Ilagan at Dhon ­Reverente. (­Aivan ­Episcope)