Umiiyak nang dumating sa NAIA ang karamihan sa may 20 OFWs na ni-repatriate ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) mula sa Kuwait. Umiiyak sila dahil sa tuwa o dahil sa sakit na dinanas.
Ang common thread ng mga kuwento ng OFWs ay dumanas sila ng pang-aabuso sa kani-kanilang employers tulad ng pisikal na pananakit. Ilan ang nagpasalamat na nakauwi pa sila nang buhay.
Bukod sa 20 ay may 50 pang household workers ang nakatakdang i-repatriate ng OWWA mula sa Kuwait.
Isang OWWA personnel ang nagsabing makababalik pa rin daw naman sa Kuwait ang mga OFWs.
May ginagawa?
Why? Eh dahil wala raw nakasampang kaso sa repatriated OFWs. Okay, we will not begrudge that statement of fact. Pero bakit naman magkakaroon ng kaso ang mga OFWs eh sila nga ang minaltrato?
Hindi ba dapat ay ang employers ng OFWs ang kinasuhan sa tulong ng ating embassy o consular officials sa Kuwait? Ano ba ang ginagawa ng mga opisyal natin sa Kuwait? Meron ba? I hope so for our OFWs’ sake.
Ang main point dito ay bakit napakaraming kaso ng pang-aabuso sa mga OFW sa Kuwait?
Mind you, ayon sa mga report, ay fully documented at legitimate na OFWs ang 20 na umuwi ng Kuwait matapos maabuso.
Freeze deployment
Nangangahulugan lang ito na walang sapat na proteksyon ang mga household worker natin sa Kuwait. If this is so, bakit patuloy pa tayong nagpapadala ng household workers sa naturang bansa? Hindi ba napapanahon nang i-review ang ating labor relations sa naturang bansa? How about a freeze in the deployment of house helpers in Kuwait? Is this being considered? Ano ba ang masasabi rito ng Philippine Overseas Employment Administration?
Safety measures
Kung sa Saudi Arabia — ang No. 1 deployment destination ng OFWs sa last three decades — ay practically frozen ang deployment ng OFWs dahil sa recession doon, surely we can also afford na i-freeze ang hiring ng household workers sa Kuwait dahil sa kawalan ng proteksyon sa kanila.
That is, until such time that we can assure that there are enough measures to stop the mass abuses being committed our OFWs.
No point
Wala namang point na mag-deploy sa isang bansa kung uuwi rin lang na luhaan ang ating mga kababayan at gagastos pa ang pamahalaan natin para sa kanilang repatriation.
Follow me on Twitter @beeslist. Kung may ipinagsisintir, email usapang_ofw@yahoo.com o tumawag sa 551-5163.
Have a safe Sunday folks.