Cuajao, USTe tiniklop ang TIP

Nagliyab ng pitong 3-point shot si sophomore Deo Cuajao nang tambakan ng Builders Warehouse-University of Santo Tomas ang Technological Institute of the Philippines, 115-62, sa Day 2 kahapon ng 10th PBA D-League Aspirants’ Cup eliminations sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagpakawala ng 23-of-56 trey ang UST Growling Tigers sa pabibo ni Cuajao na sumakmal ng 24 game-high point.

Nagsalpak din ng limang tres si Jun Asuncion sa ibinatong siyam na tira.

Sumubi rin si Growling Tiger star Rhenz Abando ng 15 marker kasama ang 6 rebound at 2 assist habang ang kanyang partner na si Mark Nonoy ay naka-11 pts., 6 board at 5 assist. (ADE)