Cubs tatapusin ng Robins

Mataas pa ang momentum mula sa sorpresang panalo sa opener, susubukan nang tapusin ng Mapua ang San Beda sa Game 2 ng kanilang 92nd NCAA juniors basketball tournament mamaya sa MOA Arena.

Sa bisa ng hindi mabasag na full-court pressure, sinikwat ng Robins ang panggulat na 83-64 panalo noong Huwebes at nakaamba na ang sweep sa Cubs.

Dumikit ang Mapua sa unang titulo sa nakalipas na 16 na taon at 21st sa kabuuan – kapos ng isa sa league-best 22 crowns ng San Beda.

Muli ay sa nakakasakal na depensa aasa ang Cubs, tulad sa Game 1 nang limitahan ang Cubs sa lowest output ng season sapul nang paamuin ang San Sebastian Staglets 74-66 sa first round noong July 25. Napuwersa ang Beda sa 31 turnovers at 43 sa 66 attempts ay sumablay.

“That would be our weapon against San Beda, our defense,” patikim ni Mapua coach Randy Alcantara.

Masagwang 4 of 23 lang sa 3-point range ang Cubs noong nakaraan.