Sawimpalad sa ika-13 sunod na taon si Rubilen Amit sa paghahangad sa korona ng 27th World Pool-Billiard Association 2018 World Women’s 9-ball Championship noong Disyembre 3-9 sa Gymnasium of Hainan Tropical Ocean University sa Sanya City, Hanya Province, China.

Tumersera ang 37-anyos na bilyaristang tubong Mandaue City sa US$175,000, 4-day cuefest upang masabitan ng bronze medal kalakip ang US$6,000 (P316,000) cash prize at trophy sa paghirang sa kanya bilang Best Sportsmanship Award laban sa 60 manlalaro.

Sumalto sa finals ang 2-time World 10-ball queen sa pagyukod kay eventual champion Han Yu ng host country, 6-9 sa semifinals sa 32-woman main draw.

Nakabawi ang tumbukerang Pinay kay China Open winner Chinese Fu Xiao sa battle for 3rd place, 9-5. Wagi rin si Amit laban kina Chinese Chen Hon Yu, 9-6 sa kabila na naiwan ng 0-5, at Huan Qing-ning, 9-3 at Veronika Ivanovskaia ng Germany, 9-4.

Mga biniktima niya sa group eliminations sina Miyuki Kuribayashi ng Japan, 7-6, at Ng Yi Huai ng Singapore, 7-1.

Best-finish ni Amit sa event na ito ang pagsegunda noong 2007 sa Taoyuan, Taiwan.