HOUSTON (AP) — Nahaharap ang Golden State Warriors sa posibilidad ng pagsalang sa isa pang playoff game na wala si Stephen Curry.

Hindi na lumaro si Curry sa second half ng 121-94 panalo sa Houston Rockets sa Game 4 nitong Linggo dahil sa sprained right knee at sasailalim sa MRI kinabukasan.
Inabot ng injury si Curry sa final play ng first half. Napasama ang pagkadulas niya sa court habang dumidepensa at agad sinapo ang tuhod. Nakatayo pa siya pero halatang iniinda ang tuhod, bago iika-ikang dumiretso ng locker room. Lumabas siya kasama ng team pagkatapos ng halftime, pero nakaupo lang sa bench sa warmup time. Matapos kausapin ang coaches, bumalik siya sa locker room.
Kababalik lang ni Curry matapos maupo rin sa last two games dahil sa sprained right ankle.
Naglista ang Warriors ng NBA playoff record na 21 3-pointers sa huling panalo tungo sa 3-1 lead sa best-of-seven series.
Kapag hindi puwede si Curry sa Game 5 sa Miyerkules sa Oakland, si Shaun Livingston ang aako sa kanyang puwesto sa starting lineup.
Sa Game 4, apat na Warriors ang tumapos ng double figures sa pangunguna ng 23 ni Klay Thompson.
First-round sweep ng Cavs, Spurs
Usad na sa semifinals ang Cleveland Cavaliers at San Antonio Spurs matapos walisin sa apat na laro ang mga asignatura sa first round.
Kinumpleto ng Spurs ang ninth postseason sweep ng prangkisa nang kubabawan ang Memphis Grizzlies, 116-95, nitong Linggo. Hihintayin nila sa Western Conference semifinals alinman sa Oklahoma City o Dallas.
Pangatlong pagkakataon nang na-sweep ng Spurs ang Grizzlies, una noong 2004 first round kasunod ang 2013 Western Conference finals.
Sa Auburn Hills, Michigan, madali ring tinapos ng Cleveland ang Detroit Pistons, huli ang 100-98 victory Linggo ng gabi.
Kumpleto ang Big 3 ng Cavs na sina LeBron James, Kyrie Irving at Kevin Love na uusad sa Eastern Conference semis, hihintayin ang mananaig sa serye ng Atlanta at Boston.
Ibinuhos ni Irving ang 20 sa kanyang 31 points sa second half, may 22 points si James.
Sa buzzer beater ni Irving ay umagwat ang Cavs 81-78 pagkatapos ng three, at habang kumakapit ang Cleveland sa one-point lead sa final minute, nagbaon siya ng 3-pointer 42 seconds na lang. May huling tsansa ang Pistons, pero malayo ang tira sa buzzer ni Reggie Jackson habang binubulabog ni Irving.