Posibleng makalaro si Stephen Curry sa susunod na road trip ng Golden State Warriors.

Mula Nov. 8 ay nakaka-11 laro nang wala si Curry habang nagpapagaling mula strained left groin na nakuha sa talo kontra Milwaukee.

Nakipag-scrimmage si Curry nitong Lunes, naka-iskedyul na sumalang sa full practice kinabukasan.

“Steph looked good today. Totally dominated the film crew,” pakli ni Steve Kerr. “They couldn’t guard him. (Assistant) Willie Green put up a pretty good fight, but he’s a couple of years past his prime.”

Sa Toronto ang unang stopover ng Warriors sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

“He might,” sagot ng Golden State coach sa posibilidad ng balik ng kanyang superstar kontra Raptors.

Samantala, malabo pa ang inaasahang debut ni DeMarcus Cousins sa Christmas Day kontra kay LeBron James at Los Angeles Lakers.

Target ng Warriors at ni Cousins ang balik mula torn Achilles pagkatapos na ng Pasko.

Hindi pa muna ipapasok ng Warriors si Cousins sa lineup para sa parating na five-game road trip ng team. Ire-re-evaluate pa si Cousins sa progreso ng kanyang rehabilitation program ngayon.

Nakipag-scrimmage na rin si Cousins kasama si Curry noong Sabado. Noong July ay pumirma si Cousins ng one-year, $5.2 million deal sa Warriors.