SA pang-apat na subok, binasag din ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers sa bisa ng 124-103 panalo Biyernes ng gabi sa Chase Center sa San Francisco.

Tinatluhang sunod ng Lakers ang Warriors sa preseason, kabilang ang 123-96 drubbing noong Miyerkoles.

Nilista ni Stephen Curry ang 22 sa kanyang game-leading 32 points sa first half para umpisahan ang ratsada ng Warriors. Nagdagdag ang backcourt mate niyang si D’Angelo Russell ng 29 points mula sa anim na 3-pointers.

Inagaw ng Golden State ang lead sa kaagahan ng second quarter bago sinalag ang run ng Lakers na lumapit ng limang puntos sa fourth.

May 13 points si Glenn Robinson III, tumapos ng 9 points, 12 rebounds si Draymond Green sa Warriors.

Tinalo ng Warriors ang Lakers na pang-limahan lang ang lineup.

Hindi naglaro sa LA sina LeBron James, Anthony Davis, Avery Bradley, Danny Green, Rajon Rondo, JaVale McGee, Dwight Howard at Kyle Kuzma.

Nagsumite ng 29 points mula sa 5 for 10 shooting sa long range si Zach Norvell Jr. para sa Lakers. Nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 25 points, may 16 points at 10 rebounds si Devontae Cacok. (VE)