Curry hirap mag-imagine

HINDI raw ma-imagine ni Stephen Curry ang sarili na naglalaro sa isang NBA game nang walang fans – sa bakanteng venue.

“It would suck if there weren’t any fans,” anang Golden State Warriors superstar sa The Rory & Carson Podcast nina Rory McIlroy at NBA TV host Carson Daly.

Tigil ang NBA games dahil sa coronavirus, pinag-aaralan kung puwedeng ituloy ang mga laro pero walang papapasuking fans sa venues.

“I know they would love to play the games,” dagdag ni Curry. ‘But, man – I couldn’t imagine.”

Naka-iskedyul sanang i-host ng Warriors ang Brooklyn Nets kinabukasan pero hindi magpapapasok ng spectators sa Chase Center.

Hindi na ‘yun natuloy dahil March 11 ay sinuspinde ang NBA regular season matapos mag-positive si Utah Jazz center Rudy Gobert.

Hindi raw maisip ng two-time MVP kung paanong magiging memorable ang NBA Finals – sakali ngang matuloy – na ilalaro sa bakanteng arena.

“The atmosphere, the adrenaline rush (with fans),” paliwanag ng three-time NBA champion.

“At home or on the road, it’s so cool just to make those adjustments and feel how you’re body feels, and how you mind is racing in those moments.” (VE)