Curry naadik sa photo ng esming nagbikini

Walang NBA pero hindi nawawalan ng aktibidad si Stephen Curry.

Ang pinagkakaabalahan ng Golden State superstar habang tengga ang laro dahil sa coronavirus: photography.

Ang kanyang model: si Ayesha Curry.

Parang bikini model si Ayesha, 31, sa kuhang larawan ni Steph, 32.

Nag-post sa Instagram si Ayesha ng photos niya para ipakita ang bikini body, kita ang tattoos at alahas. Nabawasan aniya siya ng 35 pounds.

“Took me long enough,” caption ni Ayesha sa post.

Hati ang mundo ng Internet sa post. May sumuporta kay Ayesha, may nang-bash.

“Alrighty. Lemme get my life together,” comment ni Gabrielle Union, ang actress na asawa ni Dwyane Wade.

“Let’s not forget you shammed other women for the same thing you’re doing now,” sundot ng isa.

Pinatutungkulan niya ang post ni Ayesha noong 2015 na hindi raw niya “style” ang pagpo-post ng kita ang katawan.

“Just like that, Ayesha Curry just did the same thing she bashed other women for,” dagdag ng isa.

Isa pa: “Not saying it’s allowed, but I’m never a fan of bashing others then being a hypocrite.” (Vladi Eduarte)