Curry sasalang na sa Marso 1

Pagkatapos ng tatlo’t kalahating buwan, handa nang bumalik sa court si Stephen Curry.

Nasa final phase na ang rehabilitasyon ng kanyang operasyon sa kaliwang kamay na naba­li sa pang-apat na laro lang ng Golden State.

Target niyang maglaro sa March 1, laban sa Washington Wizards.

“I still hope so,” ­aniya. “It’s still a week away, so I don’t know.”
Sumalang na siya sa full-contact scrimmage nitong Sabado, wala namang problema.

Bago raw sa kanya ang injury, may asiwa pa pero nasasanay na aniya sa bagong ‘normal’ na bagay – ang ibang galaw ng kanyang kaliwa.

“But you can try to get it to the point where, when you’re actually playing basketball you don’t think about it,” wika pa ni Curry.

Sa unang pagkakataon sa scrimmage, nakasama niya sa court ang new addition sa Warriors na si Andrew Wiggins. Natuwa si Curry sa nakita.

“He’s a walking 20 points, for sure, and the intangibles he can bring in terms of the speed, the cutting, his length on defense, all those things,” lahad ni Curry. “It’ll be a fun process to build that chemistry.”

Gusto ni coach Steve Kerr na magkagamayan na sina Curry at Wiggins. Sa susunod na season ay iikot na ang Warriors kina Curry, Klay Thompson na nagpapagaling pa mula ACL operation, Draymond Green at Wiggins. (Vladi Eduarte)