Seesaw pero puro blowouts ang power-packed Western Conference finals pagkatapos ng tatlong laro.
Kapag may napikit, tatambakan.
Pero nasa itaas ngayon ang defending champion Golden State, 2-1.
Ang league-best 65-win sa regular season na Houston, nilampaso noong Game 3 126-85.
Mahirap sabihin kung sino naman ang nasa tamang side ng equation sa Game 4 ngayon sa Oracle Arena sa Oakland pa din.
Inasahan na ni Rockets coach Mike D’Antoni na magliliyab ang Warriors sa Game 3.
“We didn’t bring our best game. But I’m hoping for the best,” aniya. “I hope we play great and them bad. Never know.”
May paandar pa si D’Antoni na nasa Golden State ang pressure sa Game 4.
“They’ve got to try to take a 3-1 lead going on the road. Tie this thing up going back to our crib,” suma ni Rockets star James Harden.
Nanalo ng 13 points ang Warriors sa opener, inambus naman sila ng Rockets 126-105 sa Game 2.
May paliwanag si Golden State star Kevin Durant kung bakit tambakan ang laban. Sapul noong May 9, walang laro sa East at West na nadesisyunan ng single digits.
“The 3-pointer’s such a huge part of the game now that it could easily go from six to 16 or 17 in a matter of seconds in the game,” himay ni KD.