Cusi ipapahamak si Digong sa ‘dirty coal’

Malaki ang paniniwala ng isang Green group na ipapahamak ni Energy Secretary Al Cusi si Pangulong Rodeigo Duterte sa isinusulong enery resources.

“No such thing as clean coal,” giit ng Powe­r for People Coalition (P4P) dapat umanong iurong ni Cusi ang naturang hakbang para hindi mapahiya si Duterte.

Nauna nang nanawagan si Duterte noong nakalipas na linggo para sa isang renewable at clean sources ng enerhiya sa gitna ng inaguras­yon ng panibagong coal-fired plant.

Hinala ng P4P na si Cusi ang nag-urot kay Pangulong Duterte ng mga nakakalitong salita kaugnay sa enerhiya.

“The President is sending out mixed signals—he reiterated what he said in his SONA about increasing the use of renewable energy while adding yet another coal-fired power plant to the energy mix of the country,” ayon kay P4P convenor Gerry Arances.

“There is no such thing as clean coal. Coal will always produce pollution when it is extracted and when it is burned. The power it produces will remain expensive, and it will always be unreliable,” dagdag pa ni Arances.

Magugunita sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo noong Hulyo, nagpaha­yag nang pagtitiwala si Duterte kay Cusi na humanap ng mga renewa­ble energy sources at bawasan ang paggamit ng mga tradisyunal na pinagkukunan ng enerhiya gaya ng ‘coal’ na labis na nakakaapekto sa climate change. (Juliet de Loza)