Cynthia pinagyabang yaman ni Manny

Mistulang ipinangalandakan ni Senador Cynthia Villar ang kayamanan ng kanyang asawang si Manny na umano’y bunga ng kasipaganan nito.

Naniniwala ang senadora na kung inin­derso man ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Prime Water Infrastracture Corp., ito’y dahil sa naging tagumpay ni Manny Villar.

Sabi ng senadora na hindi naman umano minana ni Manny ang kanyang mga negosyo hindi tulad ng water concessanaire na Maynilad at Manila Water.
“Kasi siya, si Manny, kasama niya ‘yan before when he was congressman. Siguro nakita niya ‘yung lifestyle ni Manny. Natautuwa siya,” pahayag ng mambabatas sa panayam kahapon ng mga reporter.

“Saka remember, si Manny is ano, hindi niya minana ‘yong kanyang kabuhayan. Pinundar ‘yon on his own, siguro sinasabi niya na siya, pinaghirapan niya ‘yong kanyang kabuhayan,” dagdag ni Villar.

Hindi umano katulad ng Manila Water na isang ‘inherited business’ habang ang Maynilad na pag-aari ng mga Pangilinan at Consunji na galing sa mayayamang pamilya.

“Whereas ‘yong Manila Water, minana ‘yan, ilang generations na sila. Minana Pa­ngilinan, galing sa Indonesia. Mayaman sila. Then ABS, ilang generation na ‘yon,” sambit pa nito.

“Maybe it’s the meaning nga. Siya kasi, ‘yung kanyang kabuhayan, pinaghirapan niya ‘yun. ‘Yung iba, minana,” she further said.
Nang tanunging kung magbi-bid ba ang kanilang koompanyang Prime Water kapag hindi na pinalawig pa ang kontrata ng Maynila at Manila Water, sinabi nitong wala pa siyang alam.

“‘Di ko alam, ‘di ko alam,” ayon kay Villar.(Dindo Matining)