Ipinakita ng Phoenix Accelerators ang angas matapos tunggain ang 87-78 panalo kontra Tanduay Rhum Masters sa Game 3 ng Finals at sikwatin ang titulo ng PBA D-League Foundation Cup sa Alonte Sports Arena kagabi.
Nilista ni conference MVP Mike Tolomia ang nine sa kanyang 21 points sa fourth period kasama ang seven rebounds at four assists at kinumpleto ng Accelerators ang season sweep matapos talunin ang Café France sa Aspirants’ Cup.
Nag-deliver din si Mac Belo ng double-double na 14 markers at 10 boards, may 10 puntos si Ed Daquioag para itaguyod ang Phoenix sa best-of-three finals series.
Hinawakan ng Accelerators ang 32-17 bentahe, umabot pa sa 20 pero naibaba ng Rhum Masters sa tatlo.
Nagtulong sina Val Acuna at Rudy Lingganay para idikit ang Tanduay sa 66-63 sa kaagahan ng fourth period, pero hindi nawalan ng diskarte ang Phoenix nang tumikada ng clutch baskets sina Belo at Tolomia.
“Nag-focus kami sa laro kaya nakuha pa rin namin ‘yung panalo,” ani Tolomia.
Bumira para sa Tanduay si Jaymo Eguilos na may 16 points at six rebounds, bumakas si Reden Celda ng 14 markers at seven boards.
Iskor:
PHOENIX 87 — Tolomia 21, Belo 14, Daquioag 10, Escoto 9, Jose 9, Andrada 6, Mendoza 6, Inigo 5, Pogoy 4, Tamsi 3, Colina 0.
TANDUAY 78 — Eguilos 16, Celda 14, Acuna 13, Alolino 13, Lingganay 10, Ferrer 7, Belencion 3, Gotladera 2, Javillonar 0, Mendoza 0, Santos 0, Tagarda 0.
Quarters: 32-17, 48-34, 65-56, 87-78.