DA umayuda: Ilang magsasaka sa Cebu binigyan ng kalabaw

Bilang suporta sa pagsusumikap ng gobyerno na magkaroon ng sapat na supply ng pagkain sa gitna ng coronavirus outbreak, pinagkalooban ng Department of Agriculture-Central Visayas (DA-7) ng walong upgraded dairy buffalo ang ilang magsasaka sa bayan ng Pinamungahan, Cebu.

Sa Facebook post ng DA-7, inihatid ang mga kalabaw sa Lamac Multipurpose Cooperative (LMPC).

Paliwanag ni Dr. Zeam Voltair Amper, DA-7 livestock program coordinator, maliban sa magkakaroon ng sariling food supply, madaragdagan din ang kita ng mga magsasaka dahil sa kalabaw.

Bibilhin ng LMPC ang gatas na nakuha ng mga magsasaka mula sa mga kalabaw. (IS)