Tiniyak ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) deputy director general Arrey Perez na isa sa kanilang tinatrabaho ngayon ay ang mga dadaanan patungo sa Southeast Asian Games venue sa Pampanga.

Dinetalye ni Perez ang construction ng 12-kilometer access road mula Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) diretso patungong New Clark City.

“By the first week of October, we will have a six-lane access road from the nearest link in SCTEx,” pahayag ni Perez na mayor ng Athletes Village at security service head.

Binahagi rin niya na magkakaroon ng free bus rides sa kalapit na bayan ng Bamban at Capas sa Tarlac, at Angeles, Pampanga.

Gaganapin ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.