Dabarkads ng ‘Eat Bulaga’ ginawang bampira ni DU30

PIYESTA ang ambience sa Eat Bulaga nu’ng Sabado na 37th anniversary celebration ng longest-running noontime show on Philippine TV.

May pakain para sa studio audience doon sa Broadway at maging sa barangay ay meron din.
Ang cute ng opening prod nina Alden Richards & Maine Mendoza na interactive ang drama at well-represented ang social media gaya ng Facebook, Twitter at Instagram.

Bentang-benta sa audience ‘yung paulit-ulit na sigaw ni Tito Joey de Leon na, “Huwag n’yo kaming tularan! Hindi n’yo kaya!”

Totoo naman ‘yon dahil anong programa pa ba ang kakayaning uma­bot ng mahigit tatlong dekada gaya ng EB?
At DAILY show pa ‘yon, ha?!

Sa 37 years na ‘yon ay 3 networks na ang naging tahanan ng Eat Bulaga at 7 Philippine Presidents na ang napagdaanan nito.

Ang ikapito sa mga Presidenteng ‘yon na si Pangulong Rodrigo Duterte ay may video message kung saan binati nito ang mga taong nasa likod ng programa.

“It has its staying power and I pray to God that Eat Bulaga would continue to exist for a thousand years. Congratulations! Happy anniversary!” bulalas ni Digong.

Kuwelang hirit ni Vic Sotto, ginawa pa silang BAMPIRA ni Du30 sa wish nito na umabot sila ng ‘a thousand years’!

***

Ang saya ng groufie na kuha ni Ryan Agoncillo with the EB Dabarkads.
Naglabasan din ang mga staff and crew ng show na may kanya-kanyang group dance number.

After the live show ay nagkaroon sila ng thanksgiving mass sa studio.

“So happy and blessed to be part of this FAMILY. Thank you! I am forever grateful! Happy 37th year!” ang tweet ni Maine, na may pic pa na nakayakap siya sa big boss ng EB na si Mr. Tony Tuviera.

Tuloy ang pagbibigay ng ligaya at grasya ng Dabarkads sa pagpasok nito sa 38th year.

Mukhang tuloy rin ang kuwento ng kal­yeserye dahil muling nabuhay ang nabaril na si Lola Nidora (Wally Bayola) at hindi pa raw nito oras matsugi.

Sa totoo lang ay oras na para tapusin ang kalyeserye dahil wala na itong kinapupuntahan at dapat mag-isip na ng bago!