Dagangon, Basilan pinataob ang QC

Patuloy na pinanalasa nina Jerald Bautista at Gab Dagangon ang Basilan Steels nang igupo ang Quezon City Capitals, 86-78 para kunin ang ikatlong sunod na panalo sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Miyerkoles ng gabi sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos.

Nanguna sa produksyon si Jerald Bautista pero ang mahalagang 13 markers, 9 rebounds at 4 sa endgame ni Gab Dagangon ang nagputong sa huli ng best player of the game para samahan ang Zamboanga Master Sardines sa Group B fifth place sa 12-8 win-loss slate.

‘Di naman umubra ang game-high 27 points ni Joco Tayongtong upang ibalik sana sa win column ang Quezon City na sumadlak sa Group A 10th slot kakartada ang Zambaonga Master Sardines sa 8-12.. (Aivan Episcope)