Dagdag bawas sa petrolyo nakaamba

May nakaambang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng mga kompanya ng langis sa bansa, 30 hanggang 40 sentimo kada litro ang itataas ng diesel habang 50 hanggang 60 sentimo naman ang pagtaas kada litro ng kerosene.

Posibleng wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina at may bawas pa ito na 10 sentimo kada litro.

Bunsod na rin umano ito ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kompanya ng la­ngis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo. (Armida Rico)