Matapos ang dalawang linggong sunod sa pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo, may nakaamba na namang dagdag-presyo sa gasolina habang may bawas sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) nasa P0.20 hanggang P0.30 centavos kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Wala namang paggalaw sa presyo ngdiesel at kung mayroon man itong pagtaas ay nasa P0.10 sentimo kada litro ang dagdag.

Habang sa kerosene ay may pagbaba angpresyo nito na nasa P0.35 hanggang P0.45 kada litro.

Posibleng ngayon araw (Linggo) ay mag-anunsyo na ang ilang mga kompanya ng langis maliban na lamang ang tinaguiang big 3 (Petron Corporation,Pilipinas Shell at CaltexPhi­lippines) na inaasahan sa Martes nangumaga sila magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo. (Armida Rico)