Dagdag-benepisyo ng pulis, guro, empleyado at senior tiniyak

Tiniyak kahapon ni PDP-Laban Manila mayoral candidate bet Alfredo S. Lim na lahat ng uri ng financial assistance, cash incentive at cash benefit na kasalukuyang tinatanggap ng mga pulis, tea­cher, senior citizen at mga empleyado ng City Hall ay kanyang dadagdagan oras na siya ay maging alkalde muli ng lungsod.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Lim na kaila­ngang gawing angkop sa kasalukuyang panahon ang mga nasabing financial benefits.

Ani Lim, na nagsilbi sa bayan bilang isang pulis-Maynila sa loob ng 38 taon, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lungsod.

Pinuri din nito ang mga guro na umano ay siyang responsable sa paghugis ng kabataan upang maging mabubuting mamamayan.

Binigyang kredito naman ni Lim ang mga kawani ng lungsod dahil sa kanilang kontribusyon upang magtagumpay ang anumang proyektong inilulunsad ng pamahalaang-lungsod. (Juliet de Loza-Cudia)