Makakatanggap ng dagdag na grasya ang mga kawani ng gobyerno na nasa kategoryang Job Order at Contract of Service schemes.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang administrative order no. 20 o ang Gratuity Pay for Fiscal Year 2019.
Sa ilalim ng direktiba ng Pangulo, makakatanggap ng tatlong libong piso ang empleyadong nagtrabaho na ng apat na buwan; dalawang libong piso sa mga nakapagtrabaho na ng tatlong buwan ; P1,500 sa nakapagsilbi na ng dalawang buwan, habang isang libong piso naman sa wala pang dalawang buwang nagtatrabaho sa gobyerno.
Sakop din ng administrative order ng Pangulo ang lahat ng JOs at COS na nagtatrabaho sa national government agencies, State Univetsities and Colleges (SUCs), Government-Owned and Controlled Corporations(GOCCs) at Local Water Districts.
Ipapatupad ang dagdag biyaya para sa mga contrctual at nasa job order sa lalong madaling panahon. (Aileen Taliping)