Nagdagdag ng panibagong emergency numbers ang Philippine National Police (PNP) na makakatulong sa publiko para mabilis na maipabatid sa pulisya ang kanilang mga hinaing at reklamo.
Sa ginanap na Brewed Caster Forum kahapon ng umaga, sinabi ni PSupt. Gilbert Cruz, hepe ng PNP Police Community Relations Group, na bentahe nitong “Itaga mo kay Bato, Text mo kay Bato sa 2286” kapag nag-text ka ay pulis ang tatawag sa ‘yo para ikumpirma ang reklamo mo.
Nalaman na kamakalawa ay nakatanggap na ng 800 text ang naturang emergency number kung saan pinakamaraming text ay sumbong tungkol sa droga at kurapsiyon.
Kung ang gamit mo ay Smart/TNT/Sun Cellular, maaaring mag-text sa BATO >space< <your message> send to 74442286 at kung Globe/TM <your message> send to 2286.