Tiniyak na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbibigay nito ng dagdag pondo para tuguan at labanan ang pagkalat ng novel coronavirus (nCOV) sa bansa.
Ang katiyakan ay ipinaabot kay House Speaker Alan Peter Cayetano ni DBM Secretary Wendel Avisado matapos ang kanilang pagpupulong nitong nakaraang araw.
Ayon kay Cayetano, siniguro umano sa kanya ng kalihim na oras na maubos ang kasalukuyang pondong ginagamit ng mga kinakulangan ahensiya partikular ang Department of Health (DOH) sa pagtugon sa nCoV ay nakahanda umano silang dagdagan ito.
“Secretary Avisado assured me that when the nCOV funds are used up, he will augment them,” ayon kay Cayetano.
Kailangan umanong gamitin muna ng DOH ang lahat ng pondo nito sa pagtugon sa nCOV partikular ang pangangalaga at paggamot sa mga infected person bago dagdagan ito.
“That is also the advice I gave governors and mayors in areas affected by calamity. Use your funds because we can augment them. The important thing is we provide our affected people with what they need,” dagdag ni Cayetano.
Una rito, naghain na rin sina House committee on health chair Rep. Angelina Tan at Ways and Means Comitte chair Rep. Joey Salceda na hiwalay na panukalang batas na hmihirit ng dagdag na P2 bilyon nCOV-related budget. (Eralyn Prado/JC Cahinhinan)