Dagdag presyo sa langis nakaamba

Nag-abiso kahapon ang mga oil industry player ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahang ipatutupad sa susunod na linggo o epektibo sa araw ng Martes.

Ayon sa Unioil, ang dagdag presyo ay maglalaro sa 30 hanggang 40 sentimo kada litro ng diesel, samantalang nasa 10 sentimo naman ang itataas sa kada litro ng ­gasolina.

Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Noong nakaraang linggo lang ay nagpatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis.