Dagdag-puwersa ng MMDA ilalagay kontra trapik

Maglalagay ng karagdagang deployment at puwersa ang Metropolita­n Manila Development ­Authority (MMDA) sa ­kahabaan ng Marcos Highway at magpapatupad­ ng re-routing scheme dahil sa napakabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, ang kanilang mga traffic enforcer ang magiging manpower ng bagong tatag na Inter-Agency Committee on Traffic Management (I-ACT), kung saan magdaragdag pa ng mga deputize traffic enforcer sa naturang lugar.

Para sa kaalaman na rin ng mga motoristang babagtas ng Marcos Highway at magtutungo­ sa area ng Rizal, ipapatupad ng MMDA ang re-routing scheme, kung saan ang mga behikulong galing Cubao/Katipunan papuntang Antipolo ay babagtas ng Aurora Boulevard, kakanan ng Katipunan, C.P. Garcia Avenue (C5), kakaliwa ng Ortigas Avenue Extension hanggang sa destinasyon at vice versa.

Ang behikulang mula Cubao/Katipunan hanggang Antipolo ay daraan­ ng A. Bonifacio Avenue (hanggang Marikina City proper), deretso hanggang Sumulong Highway hanggang sa destinasyon at vice versa.

Ang mga sasakyan namang galing Antipolo patungong Quezon City ay maaaring dumaan ng Ortigas Avenue Extension, kaliwa sa Kaytikling patungong Taytay Palengke, East Bank Service Road, kaliwa sa Legaspi Bridge, kaliwa sa C. Raymundo hanggang destinasyon at vice versa.

Mula naman sa Cainta, Rizal hanggang C5, Quezon City, mula Felix Avenue kaliwa ng Kagihawaan St./Magsaysay St., kaliwa ng Amang Rodri­guez Avenue, kaliwa ng Calle Indus­tria hanggang C.P. Garcia (C5), hanggang destination at vice versa.

Ang mga behikul­o namang mula Cainta, Rizal via Valley Golf hanggang Cubao, Quezon City mula Ortigas Avenue Extension, kaliwa ng Don Celso Tua­zon Avenue, daraan ng Sumulong Highway hanggang destinasyon at vice versa.