Naghain ng resolusyon ang isang mambabatas sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso para imbestigahan ang patuloy na pagdadagdag ng budget subsidy sa mga missionary pro­ject ng electrification na ipinapasa sa mga consumer.

Sa pamamagitan ng House Resolution No. 2287, nais malinawan ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isa­gani Zarate kung bakit umakyat ang missionary subsidy sa P6.16 bil­yon noong 2014, P11.81 bilyon noong 2016, at pagsapit ng 2020, batay aniya sa pagtataya ng Natio­nal Power Corporation, ay posibleng pumalo ito sa P19.3 bilyon.

“These billions of additional charges are punishing the electric consumers and contrary to the promised goal of reducing electricity rates,” pahayag ni Zarate.

Nangangahulugan aniya ito na ang mga kumokonsumo ng 200 kwh kada buwan ay may dagdag na si­ngil na P38.96 sa Universal Charges-Missionary Electrification (UC-ME), P58.44 sa kumokonsumo ng 300 kwh, at P77.92 sa 400 kwh.