Hinarang ng dalawang senador ang panukala na nag­lalayong itaas ang value added tax (VAT) rate upang mabawi ang mawawalang revenue mula sa gagawing pagtapyas ng income tax rates.

Nanindigan si Sen. Ralph Recto, pangunahing may-akda ng VAT law, na hindi na kailangan pang itaas ang VAT rate para mabawi ang mawawalang kita ng gobyerno sa pagbaba ng income at corporate tax na isinusulong ng ilang mambabatas.

“Malaki naman ang savings ng gobyerno, bakit hindi na lang ‘yun ang gamitin kaysa dagdagan ang VAT?” katuwiran ni Recto.

Maging si Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, hindi pabor na dagdagan pa ang 12 percent VAT dahil dagdag pasanin ito sa mga ordinaryong Pilipino.

“I don’t agree with the move to increase VAT as it would only burden ordinary Filipino consumers. The VAT is a pass on tax — meaning businesses and corporations claim their input tax but they pass on the ultimate tax to the consumers,” paliwanag ni Angara.­

One Response

  1. Tsk tsk tsk, para mabawi pera na nawala sa pagbaba ng income tax,itataas ang vat. So apektado na ngayon lahat pati ang mga walang trabaho para lang mapagbigyan ang mga merong trabaho. Anong klaseng pagiisip yan.