NGAYONG mega-super single na si Ms. Ai Ai delas Alas, does this mean eh handa na siyang mag-walk down the aisle with her current labs, si Gerald Sibayon?
Ang kanyang reaksyon, “Tinext ako ng admin namin sa fanpage ko sa FB. Natatawa ako kasi ang dami daw nag-a-apply kasi single na daw ako…
“Hindi po ako single, may boyfriend pa din po ako… Medyo mali lang ang text ko…Kasi one year na ako divorced pero walang divorce sa Pilipinas, so, kailangan ng enforcement of foreign judgement pa.
“At ‘yun na nga, lumabas na ‘yung decision ng QC RTC granting my petition to enforce the divorce decree in the Philippines, giving me permission to remarry again –PERO DI PA DIN AKO MAGPAPAKASAL, MATAGAL PA.
“Ang kagandahan lang, malinis na at walang-wala na akong problema kung magpapakasal ako.
“Yun na ‘yun ang meaning ng super single na ako. At sa mga humahanga sa ‘ken, salamat pero taken na ang lola n’yo. Hehe. “Nakakatawa lang ‘yung text, agad-agad at saka sa edad kong to, may gusto pang manligaw, hahahahaha!
“Yun ang the best na nakakatawa talaga.”
Malupit pa rin ang alindog mo, Ms. Ai, huh?! Ikaw na ang maging super mega single.
Sure ang diva that you love na in a happy place ang current relasyon ng ating Comedy Queen.
Gerald is the nicest and kindest guy na nagpapasaya sa mahal nating reyna.
Kaya sorry na lang sa mga may paghahangad at pagnanasa sa kanya.
Ang focus niya ngayon ay ang kanyang artistic pursuits tulad ng Area, kung saan as an aging pokpok, ‘yung photos niyang nakikita sa mga social networking sites are speaking in volumes.
Alam na alam mong all mine to give si Ms. Ai sa kanyang quest of becoming an actress of note.
Ang isa pang excited siya siyempre ay ang nalalapit nilang concert ni Ms. Lani Misalucha.
May aria duel kaya sila ni Misalucha? Kumusta kaya ang magiging rapport nila on stage?
Of pink fairy proportions kaya ang chikahan or may diva to diva moment na isnaban at parunggitan?