Walang hanggang pasasalamat ang ibinigay ni Ginebra coach Tim Cone sa namayapang PBA agent na si Sheryl Reyes.
Sa kanyang Twitter account pinaabot ni Cone ang kanya ring pakikidalamhati sa pagpanaw ni Reyes noong Huwebes dahil sa sakit na cervical cancer.
“Crushed to hear of the passing of Sheryl Reyes. She was so full of life and so young, its tough to imagine she’s gone,” ayon sa PBA winningest coach.
Si Reyes ang isa sa mga naging instrumento sa pag-arangkada ng Gin Kings dahil sa pagrekomenda kay Justin Brownlee, na ‘di kalaunan ay naging resident import ng Barangay.
Tatlong kampeonato na rin ang binigay ni Brownlee para sa prangkisa, dalawang magkasunod noong 2016 at 2017 Governor’s Cup, at isa noong 2018 Commissioner’s Cup.
“She changed the fortunes of myself and the Ginebra team by bringing in our champion import. Forever grateful. She will be missed greatly,” ayon pa kay Cone.
Si Brownlee naman, ‘di makapaniwala sa pagpanaw na nagdulot ng blessing sa kanya matapos bigyan ang manlalaro ng tsansa na makatungtong sa local league.
“Man this is hard to take in… I can’t believe this!!!! You changed my life soo much… thank you for your hard work and your dedication to not only me but to everyone that you inspired and blessed with your
presences you will be missed dearly,” saad sa Instagram post ng Ginebra import. (Ray Mark Patriarca)