Muling nabigo ang isang may-edad-nang-hinete sa US na makabalik sa pananakay dahil sa record nitong pagiging manginginom.
Hindi binigyan ng lisensya ang dating pamosong si jockey Patrick Valenzuela ng California Horse Racing Board para makasakay sa California racing circuit at sa halip ay sinabihan siyang magre-apply na lang muli.
Kinakailangan umanong magpakita si Valenzuela ng ebidensya na siya ay sumailalim na ng rehabilitation kasama ang resulta ng alcohol at drug testing na regular sa isinasagawa sa kanya bago ikonsidera ang kanyang muling aplikasyon para magkaroon ng lisensya.
Gustung-gusto na kasi makabalik ni Valenzuela, ngayo’y 53-anyos na, matapos siyang tanggalan ng lisensya noong 2014.
May history na kasi siya ng substance abuse at ang pinakahuling pagkakasala niya ay nang hindi na niya makuhang makasakay pa dahil sa kalasingan sa dalawang assignments niya sa Santa Anita Park noong Enero 2014.
“(I) cannot ignore the number of chances the CHRB previously gave (Valenzuela). It should be noted that since 2000, (Valenzuela) has what (I consider) fifteen major rule violations and/or convictions.
As such, a six-month record free of violations fails to demonstrate adequate rehabilitation in light of (Valenzuela’s) numerous past transgressions,” ang sabi ng hearing officer na si Patrick Kane ng CHRB.