Asahan na tataas ang konsumo ng kuryente sa susunod na buwan matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mataas na feed-in-tariff allowance (FiT-All) rate na 25.63 centavos per kilowatt-hour (kWh)

Nabatid na mas mataas sa P7.33 centavos per kWh ang kasalukuyang current FiT-All rate na P18.30 centavos per kWh. Mataas ito ng P22.91 centavos per kWh rate na ginagamit ng National Transmission Corp. (Transco), ang administrator ng FiT-All fund.

Ang FiT-All ay binabayaran ng lahat ng on-grid electricity consumers, na nakahiwalay sa power distributors’ bills. Ang halaga nito ay ibinibayad sa renewable-energy (RE) developers, na matagal nang ginagamit na mahigit 20 taon na.

Base sa 49-page decision, ayon sa commission, mayroong pangangaila­ngan na dapat na magtaas ng FiT-All rate upang mapunan ang FiT-All fund upang mabayaran ang claims ng FIT-eligible generators.

“While the Commission is granting a rate of P0.2563 per kWh, considering that there is an existing rate of P0.1830 per kWh, what is being added is only an increment of P0.0733 per kWh which represents the increase from the current FiT-All rate. The approved FiT-All rate is sufficient to cover the obligations,” ayon sa ERC.

Simula noong Pebrero, ang total na renewable energy na nagagamit ay P40.120 billion na kung saan nasa 82 percent lamang ang nababayaran at ang P7.378 billion ay nananatiling wala pang nakalaang bayad o pondo hanggang sa tumaas na ang interes nito na umabot ng P527 million.