
Mukhang hindi talaga biro ang shoulder injury ni James Reid. Sa presscon ng “The CR3W Live in Concert” ay hindi na namin siya natsika dahil kailangan na niyang pumunta sa kanyang scheduled acupuncture session that night.
‘Yun lang daw kasi ang time ni James dahil nagsunod-sunod ang schedule niya sa “Idol Philippines” tapos heto nga’t may concert pa siya with Billy Crawford and Sam Concepcion.
Bumigay ang balikat ni James habang nagti-training siya ng weight lifting, parkour, martial arts at weapons training para sa fantasy-adventure movie na “Pedro Penduko.”
Hindi kinaya ng shoulder niya ang matinding training. Ngayong injured siya and still recovering, postponed muna ang project at ibang pelikula ang gagawin niya na hindi pa niya ma-reveal.
Mukhang hindi niya kasama si Nadine Lustre sa nasabing movie, pero happy si James sa kanyang girlfie na may sarili itong movie at very excited siya for Nadine sa “Ulan” with Carlo Aquino and Marco Gumabao.
Excited din ang 25-anyos na binata to have Nadine as his special guest sa “The CR3W” concert. May song daw ang JaDine na first time nilang ipe-perform sa April 5 sa Araneta Coliseum.
Sey ni James, matagal na niyang ina-idolize sina Billy at Sam. Hanga siya sa wisdom ni Billy at si Sam naman ang favorite singer niya of all time. As in para sa kanya ay mas magaling itong singer at dancer kesa kay Chris Brown.
Aware si James na bukod sa mahuhusay na singers ay parehong amazing dancers sina Billy and Sam.
Kaya ninerbiyos siya na makasama ang dalawa dahil alam niya raw na siya ang weakest vocally at pati sa dancing. Pero ito rin ang dahilan kung bakit sobra niyang gustong gawin ang concert.
He promised to step up to reach his dream of being as good as his two idols. Pero pagdating sa paramihan ng fans and supporters ay lamang na lamang si James, so birong hirit niya, “I’m here to fill up the coliseum!”
Isang seamless show ang mapapanood sa “The CR3W Live in Concert,” sabi ni James. Aside from original music and big dance numbers, nag-focus sila sa production values at sa visual flow ng show.
Magkakasama silang tatlo nina Billy and Sam na binuo at pinag-isipan ito, na gusto nila na maging isang malaki at masayang party the whole way through.
Direktor nina Maine, Vic nairita sa mga nega
Pinatulan ng direktor ng “Daddy’s Gurl” na si Direk Chris Martinez ‘yung mga nagne-nega at kung ano-anong sinasabi tungkol sa Kapuso sitcom.
Tweet ng iritadang direktor, “Stop tagging me with tweets saying, ‘Manonood kami pero last na.’
ANO ANG GUSTO NYONG MARAMDAMAN KO? Just stop. ‘Wag ganu’n. Don’t take it out on me and my team.”
Aligaga si Direk Chris sa pagpo-promote ng nalalapit na guesting ni Alden Richards sa “Daddy’s Gurl” nang lumabas ang latest blog post ni Maine na inaamin nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Arjo Atayde (na sinundan ng sighting sa ArMaine sa Taiwan).
Kumbaga ay na-excite nang bongga ang AlDub fans, pero shortlived lang dahil nga sa blog post na ‘yon ni Maine, na sinundan pa ng swit-switang IG post ni Arjo na may caption na, “My reason for being. Happy birthday to my main.”
Uminit ang ulo ni Direk Chris sa nag-tweet ng, “Matagal nang ‘di nanonood kahit isama n’yo pa si Alden! Malapit na kayong mawala!” kaya sinagot niya ito ng, “E mauna ka nang mawala. Sa mundo.”
Siyempre ay baby ni direk ang “Daddy’s Gurl,” so protective siya sa weekly sitcom nina Maine at Bossing Vic Sotto, na in fairness ay consistent na mataas ang ratings.
May tweet pa si direk na naiyak daw siya. Nang ususain namin kung bakit siya nag-cry, ang natatawang sagot niya sa amin ay baka raw kasi maka-AlDub pa rin siya.
In fairness ay panay rin naman ang pasalamat ni Direk Chris sa mga nagtu-tweet ng positive, pero ‘yun daw mga bigot, prejudiced, insensitive at bastos mag-tweet ay binlock na niya lahat.
Thankful si direk doon sa mga nagsasabing napapaligaya ng “Daddy’s Gurl” ang mga Sabado night nila at susuportahan daw nila ang show hanggang sa huli.
Sa darating na Sabado na pala, March 9, ipapalabas ang guesting ni Alden Richards bilang si Aldrich na high school crush ni Stacy (Maine).
Ang saya raw ng taping nila ng nasabing ep, na tiyak na magpapakilig na naman sa mga never-say-die Alden-Maine supporters.
PAK!!