Dahil sa Japan accident: Lea kanselado ang HK, S’pore show

Naaksidente ang legs ni Lea Salonga sa Hokkaido, Japan habang nag-i-skiing. Hindi tuloy naging maganda ang kanyang bakasyon, kasama ang pamilya.

Dahil dito kinansela ng singer-actress ang kanyang show sa, Hong Kong at Singapore.

“I’ve just been seen by my doctors and they are saying that the recovery time for this is gonna be pretty long and I’m not gonna be allowed to travel for the next few months,” post ni Lea sa kanyang Instagram story.

Anyway, idiniin din ni Lea na inaayos na ng kanyang team ang pagre-reschedule sa naudlot na show.

Abangan na lang daw ang ang update kung kailan ang date habang nagpapagaling siya.