SALAMAT sa ‘The Last Dance’ ni Michael Jordan, sumisirit ngayon ang searches kay Carmen Electra, dating karelasyon ng teammate ni MJ sa Chicago Bulls na si Dennis Rodman, sa adult website na PornHub.
Nasama ang pangalan ni Electra sa 10-part document series para sa huling season ni Jordan sa Chicago Bulls nang matalakay sa episode 3 at 4 noong Lunes ang dati nilang relasyon ni Rodman.
Naikwento dito ni Electra ang mga sexcapade nila ni Rodman habang sila pa.
Kaya naman, piyesta ang mga ‘bogmali’ o mahihilig na mga kelot at hinahanap ang mga sexy video ng dating Baywatch actress at model sa naturang porn site.
Nang ipalabas ang episode nina Electra at Rodman ay nasa 14,796 lamang ang searches, umakyat ito sa 393,000 kinabukasan.
Pagsapit ng April 28, umakyat na ang searches sa 588,000 patunay na may asim pa rin sa mga barako ang ‘wankata’ ni Electra. (Ferdz Delos Santos)